Mga kalmot pa rin.
Hindi ko alam kung ano ba ang mas masakit; yung nakilala lang kita para magpaalam rin agad o iyong ni hindi man lamang ako nabigyan ng pagkakataong makilala ka para mapagpaalamanan ka man lang?
*
Siguro rin totoong ang kahapon lang at bukas ang pag-aari natin. Ang bawat ngayon ay magiging atin lamang kung lipas na at maaari nang tanawin sapagkat ang bawat ngayon ay natatapos sa mga sandaling ito ay nag-uumpisa.
Sana maging matapang na 'ko para makayanan ko na ring harapin ang bawat ngayon.
Sana ngayon na.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home