Kapag maraming humahabol at hinahabol

Pangarap kong:

01. Makapag-travel sa buong mundo (which means kasama ang Pilipinas syempre). Silipin ang ibang mga daigdig maliban sa kilala ko, maramdaman na lahat nang tao anuman ang kulay o salita ay pare-pareho lamang din sa maraming paraan, makapagbahagi nang sarili sa iba at maging bahagi rin nang buhay nila, magdala nang mga kaalaman (with pag-ibig din and all. Haha) mula sa aking bayan at mag-uwi din nang mga kaalaman (with pag-ibig din ang all ulet) sa muli kong pagbabalik (syempre babalik ako at babalik. Kung bakit ko nga gustong umalis ay dahil mismo sa kagustuhan kong bumalik).
02. Makapag-translate nang isang paboritong tula.
03. Matuto nang sign-language (as always).
04. Matuto nang pottery (as always din).
05. Magkaroon ng sarili kong telescope (at kung mamarapatin, sariling universe na rin. hehe).
06. Magbasa nang sarili kong tula sa harap nang mga taong may pagmamahal din sa sining at tula at macompile lahat ng tula ko at maipublish (kahit self-publication) someday.
07. Makapag-exhibit nang paintings ko (yan ay kung magpe-paint pa ko ever.)
08. Maisakatuparan ang napipisil kong konsepto (pang maikling pelikula) para sana sa nalalapit ko na ring thesis, kahit na hindi ko siya magawa bilang thesis.
09. Matuto nang glass art, whatever that means. Gusto ko lang nang glass. Reflection (vanity?). Bubog. Dugo. Yeah.
10. Makapag-alaga naman nang kahit anong hayop maliban sa goldfish.
11. Mag Zen all the way.
12. Makagawa nang kanta at makanta ko siya. Hindi pa talaga nakuntento sa isa.
13. Makanood lang ng fireworks sa buong magdamag.
14. Makatulong sa pagbabago (para sa ikabubuti syempre) nang lipunan. Hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Wow. Hindi lang vague, ambisyosa to nth power pa.
15. Makabitaw na (if possible) sa lahat ng prejudice ko na pinilit isubo sa akin nang mundong ito simula nang ipanganak ako.
16. Mapangalanan ang sarili ko, finally (and of course, that is supposed to be metaphorical, you know. Hehe)
17. Maging assertive enough. Period.
18. Magkaroon din nang sariling pamilya. Whatever that means din.
19. Mapasaya ang mga mahal sa buhay (esp. parents) hindi dahil sa kung anong mga bagay na kaya ko at gagawin ko para sa kanila kung hindi dahil sa kung anong klaseng tao na ako naging. Yeah.
20. Bumalik sa simula. Maging bukas upang harapin ang paulit-ulit na pagkamatay at pagkabuhay nang sarili at nang mundo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home