Bughaw ang kulay ng langit
ngunit pula ang kulay ng mga matang tumitingin dito.
*
Hindi mo mapipigil,
hindi mo mapipilit
ang mga mata kong tumingin
nang ayon sa gusto mo.
Hindi man iisa
ang hangganang ating tinitignan,
makikita mo sa dulo ng daan
iisa't-iisa lang ang kahihinatnan.
Makikita mo,
patutunayan ko
balang araw kapag
malayo na ako sa mundo mo
Tama ang desisyong pinili ko.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home