Ang saya-saya! sana.

Isang araw, habang naghihintay ng jeep na masasakyang papuntang MRT ay may isa na namang soul-searching (kuno) na naganap.

Ako, with the touching of the hair and the pilantik of the fingers:
Dapat 'pag uwi ko mukha akong masaya. Hay ang saya-saya! Ang saya-saya ng life! (Natatae-like ang paglundag)

Isang kaibigan, nakaupo sa bangketa, nakatingala sa akin:
Tama yan. (Okay na sana kaso teka, nag-isip pa. Tumahimik saglit. At...)
Pero masaya ka nga ba talaga?

Mga ten years na katahimikan. Napostpone ang pagpatalun-talon ko.

Ako na hindi makatingin sa kausap, malayo ang tingin kahit wala namang tinitignan:
Uhmmm... (Mga ten years ulit na katahimikan) Okay lang naman. Normal. Yung tamang levels lang (At nagpapakavisual aids ang mga kamay) ng happiness. Yung masaya lang.

Kaibigan ulit, na-warla:
(Tawa muna. Nakakaloko) Baket, teka ano ba yung abnormal?

Ako, nagsisimula nang ma-emo, ayoko ng soul-searching sa tabi ng kalsada:
Uhmmm (Mga ten years ulit na katahimikan. Ang slow talaga mag-isip) ... yung masayang-masaya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home