Tandaan mo sana

Tulad ng ilog na umaagos,
ang pag-ibig natin
ay dumadaloy
sa landas
na mabato,
pasikut-sikot,
tila
walang katapusan
ngunit sigurado
ang patutunguhan.




Huwag ka sanang malumbay,
hindi sa lahat ng oras
tayo'y magkahiwalay.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home