Oo nagbago na nga ako

Nagbago na nga ako at hindi ko na kailangan pang marinig iyon sa iba.
Matagal ko ng paunti-unting niyayakap ang lahat ng mga pagbabago.
Matagal ko ng pinag-aaralang yakapin ang bagong ako.
At nais kong malaman mo na masaya ako. Oo,
Masayang-masaya ako.
Huwag ka rin sanang mag-alala
Dahil kahit anuman ang mangyari,
Bahagi at bahagi ka pa rin
Ng mga pagbabagong ito
At lahat ng mga pagbabago pang darating.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home