Ngunit katawan lamang ang maaari mong kitilin

Kaibigang Glenn, tatagan mo ang iyong loob.
Kasama mo kami sa lahat ng laban mo.
Mahal ka namin.

*

Tunay ngang kabuuan ng loob ang tanging kailangan upang iyong maharap kung sino ka nga ba talaga at kung sino at ano ka maaaring maging. Sariling tapang lamang ang makatatapat sa mga bagay na matagal mo na naman talagang nais abutin.
*
Ako: Ano pa ba? Kahinaan ba yung pagiging masyadong emosyonal?
Siya: Oo.
Nawafaz.
Ako: Ay ganon? (gusto pang magprotesta pero naisip na wiz na) ok sige, kahinaan (sabay sulat sa papel).
*
Malaya ka ba?
Malaya ako (sa paggawa) sa kasalanan.
Sabi ng isang taong hindi ko kilala.
*
Panahon na upang ilipat ang pahina.
Marami pang larawan ang dapat masulyapan.
Marami pang himig ang naghihintay marinig.

1 Comments:

Blogger lojika said...

kasalanan ba ang maging emosyonal? hindi naman siguro lalo na kung paminsan minsan lang.

pero sa paglalagay mo ng salitang "masyado" sa unahan ng salitang "emosyonal.baka nga. mare. baka tama siya. dahil ang lahat ng sobra ay masama na.

10:31 PM  

Post a Comment

<< Home