Kung sakali mang

Kung sakali mang
Ako ay iyong lingunin
At hindi mo na
Ako makita
Huwag mo sanang isiping
Iniwan na kita.
Huwag mo sanang isiping
Nauna na ako
O di kaya'y
Hindi na nais pang
Ang sa'yo ay sumama.

Isipin mo na lang
Na iba ang pinili
Kong daan
Patungo
Sa kung saan
Naroon nagtatagpo
Ang mga landas
Na may
Hangganan.

Kung sakali mang
Ako ay
Maalala mo,
Bigkasing muli
Itong pangalan ko
Huwag mo sanang -
Oh huwag mo sanang
Isiping ako ay
Tuluyan na ngang
Nagbago sa iyo.

Hindi man ngayon,
Hindi man sa loob
Ng sampu o
Nang
Isandaang taon
Alam kong darating
Ang panahong
Mauunawaan mo
Mapatutunayan kong
Tanging wagas lang
Ang hangarin ko.

Mahal kita, oo
Mahal kita
At iyan lang ang
Alam kong katwiran
Sa kung bakit
Sa kung hanggang kailan
Sa kung hanggang saan
Ko matatagalan
Itong aking
Paglaban.

Ang pag-ibig
Ay isang pakikibaka
Kaya nga
Kung sakaling
Muli mo akong
Tanungin
Sa kung bakit,
Sa kung para saan
Uulit-ulitin ko,
Uulit-ulitin ko
Ikaw pa rin
At ikaw pa rin


Ikaw lamang
Ang tangi kong
Dahilan.




mula sa akin para sa inyo: sa lahat ng taong minahal ko, minamahal ko at mamahalin ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home