Kung ayaw, eh di wag

Nasanay na rin naman ako.
Ano pa bang bago?
*
Pagod na rin kasi ako.
Gusto ko nang magpahinga
at huminga.
Sana kasi bitawan mo na lang ako kung wala talaga.
(aba baket, sino bang may sabing nakakapit siya sa'yo?)
*
Paano'y dalawang bagay lang naman 'yan:
yayakapin kita dahil lalapit at mananatili ka na
o kaya naman
yayakapin kita dahil aalis ka na.
Pwede naman talaga kahit ano dun sa dalawa
kesa naman sa wala.

lumalandi lang.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home