Panahon ng ulan at liwanag

Kung sakali bang aalis ako, makasisiguro ba ako na mayroon pa akong mauuwian?
*
Hindi naman talaga dahil matigas lang ang ulo ko at wala akong pakialam sa inyo. Hindi naman talaga dahil sa hindi ko lang kayo mahal. Hindi ninyo lang alam, sa kung bakit ko ito ginagawa ay kayo rin naman talaga ang dahilan. Hindi pa ngayon, oo, pero alam kong darating din ang panahon na maiintindihan ninyo kahit hindi ako magpaliwanag.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home