Minsa'y pangitain

Ngayon alam ko na; mas malakas pala talaga ako sa inaakala ko. Noong minsan nangangapa lang ako sa dilim at wala pa ngang makapitan. Pakiramdam ko hindi lang ako madadapa kung hindi mahuhulog na ng tuluyan sa kumunoy o kaya naman sa kanal. Pero ngayon nandito na ako dala ang sariling ilaw ko, iniilawan ang dinaraanan ko at nakatapak nang mariin sa lupa ang mga paa ko.

Nakikita na rin kita at ang sarili ko. Ngayon alam ko na kung nasaan nga ba tayo at kung ano nga ba'ng ginagawa natin dito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home