Malapit na. Konti na lang.

Ngayon malinaw na kung bakit.

Hindi ikaw ang gusto ko
Kung hindi ang espasyong
Lumalamon sa akin papunta sa'yo.
Hindi ikaw ang kilala ko
Kung hindi itong pag-iisang
Akala kong sa wakas ay susuko.
Hinahanap kita
Noong malayo ka pa
Pati mukha mo
Hindi ko maipinta.
Ngayong nandito ka na
Hinahanap pa rin kita.
Siya bang noon ko
Ay ikaw pa rin ba?


*

Hinahanap ang iyong kamay
Bakit ang hirap mong kasabay?
Lahat ng gawin tila sablay
Balang araw walang maghihintay.

- Anino, Imago

0 Comments:

Post a Comment

<< Home