Kisapmata
Paalam na.
Para saan ba ang kumapit pa?
Paano ko ba ibabalik ang sarili sa dati?
May isang bahagi sa akin ang kinuha mo
Kasama na rin ng lahat-lahat mismo ng ako.
*
Mapait
Maanghang
Mainit
Ang kapeng sinisilaban
Ng lalamunan.
Nawa'y hindi ako malason
Nitong dating pagsintang
Ngayon ay
Naging galit na.
*
Ngunit ito ang pinakamasakit:
Ang gawin ang isang bagay dahil sa mali at mali pa ring dahilan.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home