Kanina pag gising ko


Para akong nabunutan ng tinik; tinik na kahit masakit, masarap pa rin.

Kinuha yata ng nakaraang magdamag ang lahat ng katas ng mga alaalang nasa akin pa. Wala man akong maalala, pakiramdam ko'y sinalakay kagabi nang aking mga panaginip ang aking pag gising. May kinuha sila. Oo kinuha nila. Hindi ko matiyak kung ano basta ang alam ko lang may nawala. Pinipilit kong alamin at ibalik kung anuman iyong nawala kahit hindi ko nga talaga alam kung dapat ko pa iyong hanapin o pakawalan na lang.


Sabi ko ayokong maadik sa kahit na ano,
pero bakit ngayon hinahanap-hanap ko?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home