Humahampas ang bagyo

at ako ay nananatili lamang dito. Hindi natitinag kahit ginawin; kahit lamukin. Nasaan ka ba ngayong bumabagyo? Ano bang ginagawa mo? Ano bang iniisip mo? Sino ba ang katabi mo?

Minsan gusto ko ring isiping gusto ko rin namang malaman. Pero minsan naman hindi. Sabi nga ng isang kaibigan, "Pero mas maganda pa rin kung malaman mo kung ano nga ba talaga kung bibitaw ka na rin lang naman". Well, gusto ko rin naman sigurong malaman talaga kaso...paano? Minsan may mga tanong na masasagot lang kapag hindi itinatanong at hindi sinasadyang alamin. Ngunit kung kailan lalabas ang sagot ay hindi naman tiyak. Hanggang kailan nga ba ako maghihintay?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home