Bastusan kung bastusan

May humigit-kumulang isang oras ako para pagmuni-munihan kung ito bang pagpuputa ko ay may patutunguhan. May karir nga ba dito sa kinakarir ko? Dito sa mga kinakarir ko? Baka naman kumakana lang ako ng inaamag nang pandesal? Butas nang pundyo? Basag nang salamin? Saan ba talaga ako pupulutin bukas kapag tapos na ang lahat at nakuha na nila ang rurok nang kaligayahan nila? Masaya (kahit hindi sa isang malalim na paraan) rin kaya ako? Masaya nga ba ako ngayon pa lang? May puwang ba talaga para sa isang putang tulad ko ang maging masaya pa? Ginagawa ko ba talaga 'to para maging masaya? Hindi ba isang napakalaking kashetan lang ang maging masaya dahil nakapagpapasaya ka ng iba? O ginagawa ko nga lang ba talaga 'to para makapagpasaya ng iba? Hindi ba talaga ako masaya? Kailangan pa bang itanong yun o pag-usapan pa?

Talaga nga bang mas kakayanin kong magputa at madurog ang loob kaysa ang magutom na lang (sa lahat ng aspeto) at ginawin (sa lahat ng aspeto rin) habang dinadaan-daanan ng mga paang palaging may mauuwian?

Ikaw na humuhusga sa'ken, ikaw na tumatawag sa'king hangal, marumi, kawawa, ikaw mismo ang bugaw. Hindi ka lang bastos, hindi ka lang hayop, higit ka pa sa makati. Gusto kong magalit sa'yo pero alam kong masyadong madali 'yun. Pwede naman kitang patayin ng marahan habang wala kang malay at napakasaya ko.


Pero kung sa bagay, bakit pa ba 'ko magdadalawang-isip.
Kung pagpuputa na ang labanan, hahayaan ko bang ako ay mapag-iwanan?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home