Bago mo sabihing malandi ako
Isipin mo nga muna kung paano ko nagagawang lunukin ang laway ko at lahat-lahat ng ako sa tuwing kaharap kita, kung paanong naghihintay ako ng isang buong magdamag para sa ewan mo o wala at kung paanong nasisikmura kong langhapin ang lahat-lahat ng ikaw.
Higit sa lahat, isipin mo muna kung paanong hinahayaan kong lamunin ako ng sarili ko kasama ng mga nararamdaman ko sa'yo nang walang ni isang nakakaalam man lamang.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home