Ang lahat ng bagay ay gumuguhit na lang sa 'king lalamunan.

At ngayon di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Pwede bang itigil mo na
Ang pag-ikot ng mundo?

~ Spoliarium, Eraserheads


*


Kung bumaliktad na nga ang lahat, makakaya ko pa bang ibalik ang dati?
O, ito nga ba talaga ay kabaligtaran lamang?
Dalawa lang ba talaga ang mukha nang larawan?
Wala na ba talaga akong pagpipilian?
May kakayahan nga ba akong mamili pa?
Kung bumaliktad na nga ang lahat, makakaya ko pa bang ibalik ang dati?

*

Nilulumpo mo ako
Sa bawat pagkakataong
Kinakadena mo sa halik
Ang mga paa ko.
Binubulag mo ako
Sa tuwing pinipilit mong
Tingnan ko ang gintong araw
Nang hindi kumukurap sa pagkasilaw.
Binibingi mo ako
Sa bawat bulong
Nang mga pantasyang
Sa atin lamang ay nagkukulong.
Ang totoo'y
Unti-unti mo akong pinapatay
Sa bawat dantay nang iyong mga kamay
Kasama nang pagkitil sa mga oras
Na siyang natitira lamang sa akin
Upang ako ay ganap na mabuhay.



*

May karapatan ba ang kahit sino'ng sabihin sa'yo kung ano lang ang kaya mo?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home